Saturday, July 11, 2020

9 Na Dahilan Kung Bakit Tayo Kalimitang Binabangungot


Bakit nga ba binabangungot ang isang tao? Pinaniniwalaan din ng karamihan na nakakamatay ito.

Narito ang mga dahilan...

1. Seryosong problema sa ating interpersonal na relasyon sa iba – kapag ang samahan ninyo ng iyong kaibigan o relasyon ay nasira, maari nitong maapektuhan ang iyong kapanatagan sa pag-iisip, kumpiyansa sa sarili at tiwala sa iba. Bilang isang tao kailangan at likas sa atin na makipagsalamuha sa iba. Kapag itong importanteng relasyon na ito ay nawala, nag iiwan ito ng negatibong pakiramdam at nagreresulta ng bangungot. Kung ito ay mangyayari sa iyo, dapat mong panatilihin ang pakikipag salamuha sa iba at makisali sa mga relaxing na aktibidad para mabawasan ang iyong stress.

2. Matinding krisis pangpinansiyal – ang pagaalala sa kakainin, pagbabayad ng esensiyal na bayarin sa araw-araw ay maaaring dulot ng matinding seryosong pinansyal na problema.

3. Pagkamatay ng minamahal – ang proseso ng pagluluksa ay gumagawa ng panic, pakiramdam na nagiisa at pakiramdam na iniwan na siyang nagbubunga ng bangungot. Para mawala ang iyong bangungot kelangan mo ng sikoterapiya, pwede mo ring gawin ang teknik na malalim na pag hinga at meditasyon.

4. Post-traumatic stress disorder – ang PTSD ay isang klase ng stress disorder na nagmumula sa matinding trauma at dahil dito ay nagkakaroon ng bangungot ang iba. Ang tanging solusyon lamang para magamot ito ay sa tulong ng eksperto sa mental health.

5. Niresita o hindi resitadong pagbili ng gamot – maraming gamot lalo na sa pangkalusugang mental ang nagtataglay ng kemikal na nagpapabago sa utak at blood pressure drugs na nagbubunga ng bangungot. Ang mabuting gawin dito ay humingi ng tulong sa iyong doktor at sabihin na nagsansanhi ng bangungot ang kanyang niresita at sa mga hindi resitado naman ay itigil ang paggamit at bagkus ay sa doktor nalang humingi ng tamang gamot.

6. Matinding insomia at iba pang problema sa pagtulog – sa ibang tao ang insomia at sleep apnea ay nagreresulta ng hindi makatulog o hirap makatulog at sa iba naman ay bangungot.

7. Pagkain ng madami bago matulog – ang paggawa nito ay nagtitrigger ng pagbilis ng metabolismo at nagsisignal sa utak na maglabas ng kemikal na siyang nagiging dahilan ng bangungot. Ang gamot dito ay simple lang, ‘wag kumain ng ilang oras bago matulog.

8. Pangit na kaugalian sa pagtulog at ang iyong kapaligiran – ang paggamit ng mga telebisyon, kompiyuter, telepono at iba pang elektronikong bagay bago matulog ay nakakasira ng pattern ng pagtulog na siyang nagiging sanhi ng bangungot..

9. Ang sobrang pagiging abala sa buhay na sa subrang pag iisip minsan ay nagiging stress na tayo. 

Credits to rmn.ph

Related Posts

9 Na Dahilan Kung Bakit Tayo Kalimitang Binabangungot
4/ 5
Oleh

Subscribe via Email

Like the post above? Please subscribe to get the latest health tips direct to your email inbox.